May 18, 2009

8 years is long. I call it obsession.

Sabi ni Yahoo! Messenger:

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ is now online.

Hanggang ngayon may epekto pa rin sa akin ang pangalan mo. Bawat titik ay pamilyar... gawa ng FLAMES. I cross out O, N, I, R, S, T, D, C, L, B, G, and what do I get? Engaged or Enemies. Siyempre mas pabor ako doon sa nauna.

Nagsimula 'yun noong grade 5 tayo and it carried on until the next grade level. Naalala ko pa, nahilig ako mag "May I go out Ma'am" para lamang makadaan sa labas ng inyong room patungo sa CR. At habang binabalangkas ko ang corridor, sa tapat ng inyong pintuan ako naman ay mapapasilip kung pumasok ka. Hindi nga ba't para sa akin ginawa 'yung kantang "Pasulyap-sulyap"?

Pasulyap-sulyap ka't kunwari'y
Patingin-tingin sa akin
Di maintindihan ang ibig mong sabihin
Kung mayro'ng pag-ibig ay
Ipagtapat mo na sa akin
Agad naman kitang sasagutin

Muntik na akong lumipat ng High School noon. Pero isa ka sa mga dahilan, isang malaking dahilan kung bakit ako nag-stay. Taga-Laguna ako, Parañaque naman ang ating eskwelahan, pero para sa iyo ininda ko. Pinagpala naman ako. Apat na taon tayo naging magka-klase, sa first section. 1st year to 4th year. Amf. Heaven. Four memorable years. Araw-araw ganado akong pumasok. Inspired ba. At hindi mabubuo ang araw ko 'pag wala tayong engkwentro. Kaya nga nagpapapansin ako sa iyo eh para kung kumagat ka naman, may baon ako pag-uwi. Isang nakangiting puso. Yikeee.

Nung first year pinatayo ako sa upuan pagkatapos akong tawaging adelantada ng teacher natin dahil umiinom ako ng coke na nasa bote pa at nakapatong sa aking desk habang siya ay nagtuturo. At hindi nagtagal ikaw na ang sumunod. Maya-maya pa'y nagtutulakan na tayo gamit ang ating mga kamay. Eh dambuhala ako. Anong laban ng isang payatot na tulad mo. Mapapabungisngis ka na lang. Parang isang made-for-tv scene noh?

2nd year, bilang biro sinumbong kita sa teacher kahit hindi naman totoo. Nag-react ka naman. Noong kinahapunan, pabalik na ako sa ating classroom, nadulas ako habang pababa ng hagdan. Tanda mo pa ba 'yung hagdan sa gilid ng ating room? 'Yung may gate pa na nagsisilbing harang sa dalawang hall? May limang hakbang din ata 'yun. At nadulas ako. Napakapit sa gate. Tumunog ang gate nang ito ay humampas. At napatingin lahat ng kaklase natin, kasama ka, doon sa source ng ingay. And you saw me there. Nakahandusay kasama ng basahan sa tapat ng ating room. 'Yun ang tinatawag na bad karma. But it made you notice me again. Touchdown!

Nung mga sumunod na taon, mas naging malapit tayo. Masaya ka kausap eh. You matched my sense of fun. Batuhan at saluhan lang ng jokes at alaskahan. Tapos puro tawanan. Every chance I get, I spent it with you. And then we graduated from High School. Pero hindi pa nagtatapos dun. Kasi nagkaron pa tayo ng Batangas trip. With the Cheeky girls and the Chihuahua boys. Kahit punong puno pa ng kahihiyan ang trip na iyon, isama pa ang hagdang may 1,500 steps na ating binaybay pababa and another 1,500 steps paakyat, it was one of the best trips I've ever made in my life. 'Di lang rin dahil sa iyo. Isama mo na rin friends natin. And then came the break.

One year kita hindi nakita. Hindi ka nagparamdam sa aming OLC. Birthdays, debuts, UAAP cheerdance, tambays, swimmings, christmas party, you missed it all. But then came our Hillspa trip. Bigla ka na lang nag-decide na sumamang muli sa amin. Excited ako, pero 'di ko pinahalata sa ibang kasama. Ikaw ang pinakahuling dumating sa resort. Nung nakita kita, ang pagsintang pururot ay nabuhay muli. 2 days and 1 night, filled with bed scenes. Haha.

Magmula noon lagi ka na uli sumasama sa amin. Tapos naging open pa ako sa aking pakakaroon ng crush sa iyo. Hindi nga ba't nangako pa tayo na magiging tayo rin in the end. Pero ito na pala yun simula ng "falling out" stage sa aking one-sided love story. Isang sign na pala iyon. The more I became comfortable with sharing my puppy love for you and to the rest of the world, the feeling dimmed more. A huge gap came. We were seeing less of each other. Once a year? Close to none? And then I woke up one day to a chismis that you are gay. Pag-asa has gone out of the window.

Sabi ni Yahoo! Messenger:

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ is now offline.

Hanggang ngayon may epekto pa rin sa akin ang pangalan mo. Pero hindi na tulad nang dati na kilig ang hatid. Perhaps the old love has turned into a habit. Or into a longing. For the fun times. For the good friend. For the moments. For the past. And as I write this, I smile. You are a happy memory. Thank you from the bottom of my heart.

Love lots,

Jo

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.