September 30, 2009

As of yet untitled

Anong gagawin mo kung ikaw ay may aso, asong mataba, asong may buntot na mahaba, asong tulad ng kay Robert Neville, asong may ngalang binyag ng taong 'di tumupad sa kanyang pangako/dumurog sa iyong puso/nag-desisyong mag-move on bago mo pa malaman at nang natanggap mo ang balita, sementado na ang kanyang desisyon na iwan ka/binalewala ang pakiusap mong magparamdam sa petsang ito: ika-30 ng Setyembre nang taong ito? Ipapa-change name mo ba si doggy? Ipamimigay? Ililigaw? Gawing pulutan? Gilitan?
Unfortunately for you, kahit anong piliin mo, kapangalan n'ya ang isang sikat na lokal na biskwit. Yun may palamang choco fudge. There goes the 'O'.

"Oi ang sakit", ang palahaw ni,
Jo

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.