February 28, 2010

Picking up pick up lines

Mia: Nandun yun Petronas towers. Alam mo yun 'di ba?
Allan: No
Mia: Ano ka ba? Yun yun towers na magkatabi
Allan: Ah! Yung parang may bridge sa gitna
Mia: Alam mo 'pag tinitingnan ko yung Petronas, na-i-imagine ko para silang magka-holding hands. Minsan nga na-imagine ko nag-uusap yung dalawa eh
Allan: Anong sinasabi nila sa isa't-isa?
Mia: ... Masaya ako kapag kasama kita
Allan: ... Ako rin

'Di ko nagustuhan.
Kasi nag-expect ako na kasing-ganda o higit pa sa One More Chance.
Para sa akin, kulang kasi yun mga eksenang silang dalawa lang ang magkasama, magkatapat, magkatabi, nakatingin ng diretso sa mata ng isa't isa, o kahit nakayuko man ang isa at ang isa nama'y nakatanaw sa malayo. Tapos magbabatuhan ng quotable quotes. Yung mababaon ba sa paglabas ng sinehan, ma-i-po-post sa facebook wall kasabay ng pag-tag sa kasing adik mong friends, ma-i-te-text exceeding 1 SMS (do you want to continue?), mapaglalaruang mga linya 'pag may gathering with said fanatic friends.
But it did remind me, kung anong kaibahan ni papa John Lloyd sa mga leading men dito sa Pinas.
S'ya lang ang nakakapagpaiyak sa akin habang nanonood ng isang romantic movie.
Especially in that scene (not exactly that, around 5 seconds after that frame).
When he finally found Bea after 2 years, and he was looking at her, with his heart in his eyes. At yun camera, focused lang sa mukha ni papa John Lloyd, for heart-skipping 15 seconds! (an approximation :P, but it felt forever to me). Sa isip ko kanina, "Tapunan mo rin ako ng ganyang tingin papa JL, please." Ano na lang kaya ang makikitang emosyon sa mukha ng isang John Lloyd kung tunay na mahal ang kanyang ka-eksena. Isa pa, "Tapunan mo rin ako ng ganyang tingin papa JL, please"
(baka kasi 'pag inulit ulit ko, magkatotoo).

Post shout-out (a.k.a. senseless late reaction): Am I asking for too much?

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.